Pero dahil dapat araw-araw ang diwa ng pasko, pasok pa rin sa tingin ko ang post na ito.
December 10, 2012 nang mag-Christmas party sa bandang CCP Complex ang hinahawakan kong cellgroup. After naming magdinner sa Mang Inasal, nagdesert kami sa Krispy Kreme Donuts. Doon na rin namin ginawa ang aming exchange gifts.
Isa sa mga natutunan kong paraan ng exchange gifts ay yung hindi na kailangang bumili. Anything that one can find inside his or her closet or in the home that is no longer of use to him or her e maaari niyang maipang-exchange gift dahil baka kailangan nama iyon ng iba.
Magpapalabunuta ang lahat ng kasali sa exchange gifts at ang makabunot ng number one ang siyang may chance to do the picking first.
Si Arthur ang nakabunot ng number one kaya siya ang unang pumili ng gift and according to him, tamang-tama sa kanya ang towel na iyon |
Alden was number two and he picked this orange tumbler. Hindi namanobvious that he really loves the gift. Hahahahaha! |
Ako ang pangatlong pipili at may nakursunadahan na ako ang booklet na "Alamat ng Gubat" ni Bob Ong. But Arvin liked it too. Pero dahil ako ang number three at siya ay number four, ako ang mauuna sa kanyang pumili
Nagkunwa akong kukunin ang akda ni Bob Ong pero pinili ko na lang ang mugs na ito na galing kay Arvin. Isinuko ko na sa kanya si Bob Ong |
Kaya nakuha ni Arvin ang ibig niya na makuha. His favorite author and collections |
Michael picked the Malong for himself |
Being the last number to pick a gift appropriate para sa isang lalake, Amos had no choice to pick the devotional guide. |
After Amos, ang mga girls na ang pumili ng kanilang gifts.
Majay got the shawl na bagay na bagay naman sa kulay ng blouse niya at sa malaming na lugar kung saan kami naroon. Hehehehe! |
Teacher Irene got this pocket book |
And the person who was not given the chance to pick her gift is Aileen being the last number |
The exchange gift did not end here. A few days after, nagtext sa akin si Arvin. He was asking kung may iba pa akong Bob Ong books na puwede kong ipampalit sa natanggap niyang Bob Ong books na meron na siya. Ang sabi ko ay wala. Sa exchange gift nila sa opisina, he expressed to his officemate na Bob Ong books ang gusto niyang matanggap. Yun nama ang natanggap niya. Kaya lang, dumoble ang mga kopya niya. He decided to give his two other Bob Ong's books to me.
Hindi lang isa kundi dalawang Bob Ong books ang natanggap ko ng libre. Bumalik uli sa akin ang bagay na isinuko ko na. |
At may dagdag pang regalo na mula naman sa isang miyembro.
Merry Bob Ong Christmas ang nangyari sa akin. Hehehehehe! |
Sa karanasan kong ito ko muling natutunan na ang pagsusuko ng isang bagay na gusto mo para mapaligaya ang isang tao ay isang dakilang gawain. Hindi ba ganon naman talaga ang diwa ng pasko?
At minsan, kung ano ang willing mong ibigay ang siya ring babalik sa iyo nang higit pa sa inaasahan mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento