Miyerkules, Enero 30, 2013

CONVENTIONS AND INNOVATIONS

Technologies seldom change culture by themselves; they might enable change in significant ways, yet without new ideas that question our sense of right and wrong they matter less. ...The very act of creating a market [...] of these products that go against conventions and norms of what we value, and of what we think is appropriate, means that you have to change what we think is appropriate.

Martes, Enero 29, 2013

ISINUKO KO SI BOB ONG

Too late na marahil ang post kong ito.  Isang buwang mahigit na kasi matapos ang pasko.

Pero dahil dapat araw-araw ang diwa ng pasko, pasok pa rin sa tingin ko ang post na ito.

December 10, 2012 nang mag-Christmas party sa bandang CCP Complex ang hinahawakan kong cellgroup.  After naming magdinner sa Mang Inasal, nagdesert kami sa Krispy Kreme Donuts.  Doon na rin namin ginawa ang aming exchange gifts.




Isa sa mga natutunan kong paraan ng exchange gifts ay yung hindi na kailangang bumili.  Anything that one can find inside his or her closet or in the home that is no longer of use to him or her e maaari niyang maipang-exchange gift dahil baka kailangan nama iyon ng iba.

Magpapalabunuta ang lahat ng kasali sa exchange gifts at ang makabunot ng number one ang siyang may chance to do the picking first.


Si Arthur ang nakabunot ng number one kaya siya ang
unang pumili ng gift and according to him,
tamang-tama sa kanya ang towel na iyon


Alden  was number two and he picked this orange tumbler.
Hindi namanobvious that he really loves the gift. Hahahahaha!

Ako ang pangatlong pipili at may nakursunadahan na ako ang booklet na "Alamat ng Gubat" ni Bob Ong.  But Arvin liked it too.  Pero dahil ako ang number three at siya ay number four, ako ang mauuna sa kanyang pumili

Nagkunwa akong kukunin ang akda ni Bob Ong
pero pinili ko na lang  ang mugs na ito
na galing kay Arvin.  Isinuko ko na sa kanya si Bob Ong


Kaya nakuha ni Arvin ang ibig niya na makuha.
His favorite author and collections

Michael picked the Malong for himself

Being the last number to pick a gift appropriate para sa isang
lalake, Amos had no choice to pick the devotional guide.

After Amos, ang mga girls na ang pumili ng kanilang  gifts.




Majay got the shawl na bagay na bagay naman
sa kulay ng blouse niya at sa malaming na
lugar kung saan kami naroon.  Hehehehe!
























Teacher Irene got this pocket book


And the person who was not given the chance
to pick her gift is Aileen being the last number
We enjoyed how the exchange gifts was done.  Almost everybody was happy for the gifts they received.  I could be happier if I got the book of Bob Ong.  Pero I was the happiest dahil may napasaya akong tao sa pagsuko ko ng gustong kong regalo.


The exchange gift did not end here.  A few days after, nagtext sa akin si Arvin.  He was asking kung may iba pa akong Bob Ong books na puwede kong ipampalit sa natanggap niyang Bob Ong books na meron na siya.  Ang sabi ko ay wala.  Sa exchange gift nila sa opisina, he expressed to his officemate na Bob Ong books ang gusto niyang matanggap.  Yun nama ang natanggap niya.  Kaya lang, dumoble ang mga kopya niya.  He decided to give his two other Bob Ong's books to me.


Hindi lang isa kundi dalawang Bob Ong books ang
natanggap ko ng libre.  Bumalik uli sa akin ang
bagay na isinuko ko na.


At may dagdag pang regalo na mula naman sa isang miyembro.



Merry Bob Ong Christmas ang nangyari sa akin.  Hehehehehe!

Sa karanasan kong ito ko muling natutunan na ang pagsusuko ng isang bagay na gusto mo para mapaligaya ang isang tao ay isang dakilang gawain.  Hindi ba ganon naman talaga ang diwa ng pasko?
At minsan, kung ano ang willing mong ibigay ang siya ring babalik sa iyo nang higit pa sa inaasahan mo.

Lunes, Enero 28, 2013

COMMON GROUND

Who would expect me and some of the members of my church  seated on a pew before an altar that looks like this?



Altar of the Sto. Nino Parish Church
Tanza, Navotas
The said church is the host church to A Week of Prayer for Christian Unity Liturgical Worship last January 21, 2013 were my church is one of the participating churches.

Christian Unity? One might ask that question.  How can different churches be united when they differ in so many ways?

Indeed, there are so many differences that we can point out among the churches.  But unity does not mean the absence of differences.  It is not unity but conformity.  Unity among the churches means you agree in spite of the differences and  seek a common ground were people can work for a common goal. 

If you think that graven images is the one that divides us from our Roman Catholic brothers?  We accused them of idolatry.  I want us to realize that we are as guilty as them in the issue of idolatry.  We, non-Roman Catholics have our imaginary idols.  It can be money, relationships and other matters that we put more important to us than God.  As for me, I have long realized that idolatry is no longer the practice of a particular church but also of all people.

Besides, why emphasize the differences when we can appreciate our similarities.  Actually, there is a lot  of things to appreciate in the event.

The Homily of the Bishop

The Song of the Choir



The Participation of  Other Non-Catholic Churches.
This is Lina Manuel from our church


Amy Betiong


And the rest of the delegates coming from our church

Other pastors and Me



Priest from Episcospal Church in the Philippines
and the General Secretary of the
 National Council of Churches in the Philippines
giving his message





The host priest and the speaker Bishop
People got used to seeing the difference among people more than their similarities.  More so when the differences is in the area of religious practices.  But if we will only shift our vision onto what holds us together, we will realize that there are more significant things that bind us than separates us.

The Liturgical Worship was followed by a simple meal of bread and water for the lay people and a heavy meal for the clergy. What a divine display of unity, that is, sharing a meal with people other than your own!

So do not be surprised if you will see me next time inside a Roman Catholic Church.  I am still not into graven images.  But I am now for the people who would like to practice the essence of the faith that they embrace.

Sabado, Enero 26, 2013

NANG BULUTUNGIN SI TISOY

My son, Aiehn Deosjua has chicken pox.  Nahawa siya sa kanyang mommy.  When I went to Cavite City to see him and attend to him, he asked me to bring him along when I go back here in Caloocan.  I have second thoughts of bringing him along because chicken pox is highly contagious.  He has his brothers to whom he can pass his disease.  But how can I refuse a request from a son ... from a sick son?


Add caption


Besides, I think that it is better to have chicken pox when one is younger.  I observe that the disease is kinder to children.  Kaya ok na rin na mahawa ang mga kapatid niya habang bata pa.  Yung kasi sa aking asawa, mata lang yata ang walang latay, este, bulutong pala.  Para siyang bulutong na tinubuan ng mukha.  Hahahahahahahaha!


Good thing, Aiehn only has a few blisters on his face and body.  But there is one part that was not spared from blisters.  His penis.  Hahahahaha!

Awhile ago, he complaint of pain there on his "tisoy".  Yap he calls his penis tisoy  Kung bakit ganon ang tawag niya, tanging ang mga kuya niya sa mommy niya ang nakakaalam.  Sa totoo lang, madalang lang sa mga Filipino ang may tisoy na "tisoy."  Kadalasan ang kulay ay "egoy" o black.   Hahahahaha!

Kung bakit kasi sa lahat ng tutubuan doon pa, nahihirapan tuloy siyang tukuyin ang bahaging iyon ng kanyang katawan.  Hehehehehe!

"Papa, bakit masakit ang "tisoy" ko? tanong na naman niya sa akin.  Sagot ko naman, "E, di ba nga may bulutong kasi ang tisoy mo?"

"E bakit si mommy naman hindi sumasakit ang tisoy niya."  hirit niya.

"Wala namang bulutong doon ang mommy mo."  ang sagot ko.  "Isa pa, walang tisoy ang mommy mo." bigkas ko na tumatawa nang malakas.  Dinig niyo ba?  Dinig ko na rin ang tawa niyo.  Hahahahahaha!

"Meron kaya si mommy.  Umiihi rin siya e," tutol niya.

"Hindi naman tisoy ang tawag doon," ang tugon ko.

"E, ano tawag doon?" tanong niya.

SORRY PO HANGGANG DITO NA LANG ANG POST KO.  WHOLESOME KASI ANG MGA TOPIC KO DITO.

Alangan naman kasi ang isagot ko kay Aiehn ay "tisay." Hahahahahahahahahahaha!







Martes, Enero 22, 2013

READ ME MAYBE

You might be wondering where  my other readers are coming from.  These readers fall in the following catergories:

  • those who saw my post by chance.  They might be searching a topic and they landed on my blog.  It happens to all of us when we are searching for a certain topic on the internet.   And upon seeing my blog, scan the entry in passing and leave the blog.
  • those who saw it by chance but read my post and some other post as well.
  • those who saw my post on facebook.
  • those who regularly reads my blog but are not registered as my followers.
  • those who follow my blog.




This Statistics covers the beginning of the
blog up to the present.  From the thousands
of readers from the the Philippines
down to the 57 from United Kingdom.
Not included are the countries below 57.



This is the monthly statistics

I am happy having readers.  I am more happy having followers.  I am excited receiving comments from my readers.  Many of the comments are posted on facebook.

My number of readers and followers are just a dot compared to the gigantic figures of other bloggers.  But I don't feel bad for myself because statistics is not my utmost concern for now.  It is just enough to learn that I am being read somehow.  So READ ME MAYBE to the tune of Call Me Maybe.  Hehehe!

That is why whenever the number of readers concerns me, I always go back to the words of wisdom in writing, "Write to express, not to impress."


















Lunes, Enero 21, 2013

RIGHT NOW

"God understand tears, when the pain is too much for words."

Have you ever felt angry?  I do.

Have you ever felt lonely?  I do.

Have you ever felt low? I do.

Have you ever felt ignored? I do.

Have you ever felt unappreciated?  I do.

Have you ever felt misundertood?  I do.

Have you ever felt confused?  I do.

Have you ever felt neglected?  I do.

Have you ever felt hopeless? I do.





Have you ever felt powerless? I do.

Have you ever felt discouraged? I do.

Have you ever felt burdened?  I do.

Have you ever felt frustrated? I do.

Have you ever felt lost?  I do.

Have you ever felt unloved?  I do.

Have you ever felt helpless?  I do.

Have you ever felt tired?  I do.

Have you ever felt crying?  I do.

Have you ever felt all the feelings above at the same time?  I do.  RIGHT NOW!

Biyernes, Enero 18, 2013

NECK TO NECK WITH THE TURTLE NECK

It was three minutes before 5 pm when I arrived at Araneta Center.  I was on my way to finding Cibo Restaurant when I thought of waiting for Haidee Afable, my high school classmate, so that I would be in the company of "promdi" in Cubao area.

About 15 minutes later, Haidee came with her husband Rucus.  When we found out the place, there we saw Leonilda Concepcion (now called, Ohnee) waiting inside.  Ohnee recognized me at once.  She looked thinner now than we were in high school.  It's been 27 years since we last saw each other.


Me and Haidee


Haidee works as a Senior Graphic Designer in Moms Today and Health Today Magazines.  Ohnee counts money as she said in BDO SM Baliuag, Bulacan.

The fourth batchmate to arrive was Vilma Santos.  Nope, Vilmas Santos is not that young and we, that old to be classmates.  She is just a named after  the Star for All Seasons.  Ate Vi, as we call her spent many working as a volunteer community organizers in various areas in the Philippines, particularly, the North.  Ate Vi considers herself as an activist but now no longer as active because of health reasons.


Vilma and Ohnee


Ate Vi  was followed by Ate Guy. No, we do not have a classmate by the name of Nora Aunor.  Perhaps the same height with the Superstar.  Hahahahaha! (Joke only).  Jocelyn Joson is an employee of the company that makes "Cotton Club" underwear.  Nope, she did not come in underwear.  She just came wearing a smile.  Hahahahahaha!(Another joke)  Jocelyn by the way has a smiling face.

Jocelyn

At the center is Rucus, Haidee's hubby who
took some of our pictures.
We finally ordered our food.  We settled for pasta and pizza.  My favorite.  But the serving size and the price  is not that friendly.  Hehehe!  Good thing, two of the girls I was with are health concious and so, I got the biggest share from our order.  Plus, they had water for a drink while I enjoyed my mango shake.










The second to the last to arrive were two professor, Ramil Correa of Dela Salle University  and Ebinezer Florano of UP Diliman.  Both of them were looking for the place until they found each other.  The food was no longer enough for them so they had individual orders.

Ramil and Ebi




How would I describe that night beside being fun filled, revelation time and chatting  about the classmates we were missing?  It is the night of the NECK TO NECK WITH THE TURTLE NECK.  Hahahahahahaha!

Why?  Read further.

I was neck to neck on how I can fully blend with them.  They are not actually my  batchmates because I transferred to San Sebastian College when we were third year high school.

Ramil was neck to neck on finding the venue of our get together. While we were chatting, Ohnee inquired of Ramil's whereabouts and we were told that he will arrived in 15 minutes.  But it was the longest 15 minutes we had in our life.  It lasted for an hour I guess.

Haidee was neck to neck on how she will be able to leave early from our get together.

Vilma was neck to neck with her present illness.

Ohnee and Jocelyn?  Better ask them.  Hehehehehe!

Ebi was neck to neck with his turtle neck shirt because the weather is not as cold as yesterday.  I got the title of this post from him.  Hehehe!

Joan was neck to neck to neck with the heavy traffic on our way to the venue.

And speaking of Joan Dy, who is an IT in Makati, she was the last one to arrive.  Since we had already spent a long time in CIBO, Joan suggested if we can find a place near to ABS CBN Compound so that Paul Alfonso, could at least goof out from his meeting and meet with us.

Boarded in Ramil's vehicle, we went to Kapamilya Network to meet our Kaklase who is working with the Lopez family.  Paul didn't make it with us.  By the time we were in ABS, he was already walking his way home.  Hahahahahaha!

There in ABS CBN we could not find a place where we could have a coffee  and t locate where Paul is. Our craving for coffee led us here:




Ebi could not brushed away his craving so he bought a coffee for himself and drank it inside a teahouse.  Hahahahaha!  Ate Vi only had water and the rest, milktea.  Joan paid the bills and combined milk tea with junk food.


Joan is at the extreme right


I guess, we were enjoying our night together because they would like to make the get together every month.  We all agreed that we would all be wearing turtle necks shirts next time. Thanks Prof. Ebi for the inspiration.   Hahahahahahaha!

PREPARE THE CATWAK please!



Huwebes, Enero 17, 2013

PERSONAL STUFFS

This afternoon, I realized that people buy stuff that has personal touched to them; myself included.  That is why I bought this:


Something to put your condiments on



Obvious naman siguro kung bakit ko binili ito. Hehehehehehe!


and this one:


For my wife and me


My wife and me have green for our favorite color.  Since we have our respective houses, we will use this for cooking our respective meals.


and this one:



Alarm clock
This one I find cute; a notebook designed alarm clock.  Minsan kahit hindi natin kailangan but when we see that the items says something about us, buy na kaagad.  Hehehehehehe


So there y:ou go, little and cheap stuffs that have big meaning to one's eyes and heart :-)

Lunes, Enero 14, 2013

SI ATE GUY AT ANG AKING NANAY

Nasa bahay ang nanay ko isang hapon.  Habang ako ay nagsisipilyo, bigla ko siyang niyayang manood ng sine.  Timing pa ring palabas ang mga film entries sa Metro Manila Film Festival.  At alam ko na hindi siya tatanggi kung ang pelikulang papanoorin namin ay pelikula ng  artista na kanyang hinahangaan.

Noranian ang nanay ko. Bukod sa palabas sa pelikula at telebisyon ng Superstar na kanyang sinusubaybayan, handa rin siyang ipagtanggol ito sa kanyang mga detractors.  Lahat ng mabuti ay kay Nora at lahat ng masama ay sa  ibang artista.   Pero sa panahong hindi na maikaila ang kamalasan ng kanyang idolo, tikom ang bibig na nanay ko.  Typical na typical na fan.  Hahahahahahahaha!


Tinanong niya ako kung ano ang panonoorin.  Sabi ko yung "Thy Womb."  Agad niyang balita sa akin na nanalo ng best actress si Nora sa MMFF.  Ano pa bang bago sa pagkapanalo ni Nora?  Lahat na yata ng awards napanalunan niya na.  Ibig sabihin, payag ang nanay ko na manood kami ng sine.

Isang sakay sa jeepney at nasa SM North na kami.  Hinanap ang sinehan kung saan palabas ang pelikula.  Sa totoo lang, nangangamba ako na baka hindi na palabas ang pelikula.  Balita kasi na pulled-out na agad ang pelikula ni Nora sa first showing pa lang.  Mahina raw kasi sa takilya ang pelikula.  Ewan ko lang kung alam ng nanay ko ang balita o hindi niya lang ibinabalita sa akin.

Mabuti na lang at palabas pa ang pelikula.  Pumila na ako sa bilihan ng tickets.


Ang Noranian kong Nanay

Maganda ang pelikula.  Ipinapakita nito ang kultura ng ating mga kababayang Muslim sa Tawi-Tawi sa Mindanao.  Magaling ang cinematography.  Pambalanse ang magagandang tanawin sa maya-mayang kaguluhan na ipinapakita sa pelikula gawa ng alitan sa pagitan ng mga rebeldeng Muslim at ng mga sundalo ng gobyerno.  Sa pelikulang ito ko nalaman na ang sikat na kanta na "Dayang-Dayang," ay isang love song pala na madalas ginagamit sa kasalan ng mga Muslim.  Hahahahahaha!

Ang pelikula ay kuwento ng isang babaing Muslim (Nora Aunor) na nagsisilbing hilot o tagapagpaanak sa kanilang lugar na sa kasawiang palad ay hindi biniyayaan ng anak.  Sa kagustuhan niyang mapasaya ang asawa (Bembol Rocco) ay siya mismo ang naghanap ng babae na maaaring mapangasawa ng kanyang asawa at magkaroon dito ng anak.  May ilan silang pagtatangka at pag-iipon ng pera, pagbebenta ng ibang gamit upang matupad lamag ang kanilang layunin na maipon ang dowry na ibibigay sa magulang ng babae na kanilang maiibigan.  Natagpuan nila ang babaing ito na ginampanan ni Lovi Poe.  Ngunit may kundisyon pa ang dalaga sa kanyang pagpapayag na magpakasal, sinabi niya ito nang sila lang dalawa ang magkausap ng kanyang mapapangasawa, na matapos niyang mabigyan ng anak ang kanyang magiging mister, hihiwalayin nito ang kanyang unang asawa.




Bagama't sala't ang sinapupunan upang magkaanak ang karakter ni Nora sa pelikula, nag-uumapaw naman sa pagmamahal ang kanyang puso para sa kanyang asawa.  Nagkataon lamang na sa kultura na kanyang kinabibilangan, ang pagkakaroon ng anak ang tinatayang silbi ng isang maybahay.

Alam niyo ba na ang aking nanay ay nabaog din matapos ipanganak niya kaming mga anak niya?  Hindi naman daw sila nagkontrol o gumamit ng contraceptives.  Sadya na lang tumigil ang Thy Womb.  Hahahahaha! Mabuti na lang at naisilang niya kami bago pa man magsara ang kanyang sinapupunan .  Gaya ng karakter ni Nora, nabuhusan din kami ng pagmamahal ng aking nanay.

Taglay pa rin ni Nora ang galing sa pagganap.  Nandoon pa rin ang nangungusap niyang mga mata.  Karapat-dapat pa rin siya sa mga parangal.  Subalit gaya ng baog na karakter niya sa pelikula, waring salat na salat na ang mga taong tumatangkilik sa pelikula niya.  More or less ay sampung katao lamang kaming nanonood sa sinehan.


Kung gumanap lamang sanang Darna si Nora e naipasa niya ang bato sa mga taong susunod na tatangkilik ng kanyang pelikula.  Kaya wala ring naipasang bato sa akin ang nanay upang idolohin ko rin si Nora.  Ang totoo, lumaki akong maka Vilma dahil siguro sa attitude kong pagkampi sa mga underdog.

Kung pagbabatayan natin ang dami ng nanood ng pelikula.  Sadyang kailangan ni Nora ng HIMALA para mapuno ang loob ng sinehan.  Pero siya na rin ang nagsabi sa kanyag iconic na role, "WALANG HIMALA!"

Natapos ang pelikula na open-ended.  Typical sa mga indie films.  Hindi malinaw kung itutuloy ba ni  ni Bembol Rocco na hiwalayan si Nora bilang kasunduan nila  ni Lovi.

Depressing ang tema ng pelikula kaya bilang pampaalis ng depression, nagmerienda kami ng aking nanay. 


Dito Raw Kumakain ang Masarap Kumain
Matagal pa siguro mauulit ang panonood namin ng NANAY.  Matagal pa rin sigurong magkakapelikula uli si ATE GUY.

Sabado, Enero 12, 2013

MY DAILY COMPANION

Let me introduce with my daily companions.  They are the ones that I would like to start the day with and the ones that I cannot live properly without:



My personal Bible

As soon as I wake up in the morning, I have to read it.  One chapter a day is my target. I am proud to say that I saved money to buy this Bible.  I think I bought it for P800.  I like my Bible thin.  I believe that the Word of God, thought it weighs more than gold and silver in value does not have to so heavy for the hands to carry.  Kaya kahit medyo mahal, ginawa ko pa ring bilhin siya.  It is protected with a zipper to enclose the pages from harmful elements.  Actually, marami namang Bible ang nagtatagal kahit walang zipper ... kasi hindi ginagamit.  Hahahahaha!

 I also have an audio Bible and an NIV Bible in texts downloaded in my cellphone.  Just in case I got bored reading the Bible in book form, meron akong alternative.  Hehehehehe!

Together with my Bible is ....


My Journal


Whatever verse or verses that struck to my heart from the chapter I am reading on a given day, I write it on my journal.  Then, I will write the message of that particular verse to me.  I also write how I can appy it in my life.  I will conclude my entry that day with a short prayer.





I found the journal on sale in National Bookstore so I got one for myself.  Aside from its earth friendly cover, I like its pages.  I like the idea of a Mathematics Notebook for a journal.  I also bought metallic ink ball pens to make my entry readable.  Ang arte ko no? O ang landi lang? Hahahahahaha!




My third and last daily companion is ...


My 2013 Planner
Sa tatlo, eto ang hindi ko binili.  Thanks to my angel, who regularly gives me a planner like this every year.  I love planner.  It gives me the feeling of being organized and in control.  Kahit madalas, hindi naman.  Hahahahahaha!



Huwebes, Enero 10, 2013

SI LEGAL WIFE, SI THE MISTRESS AT SI AKO




Aktong naggagayak ako papuntang meeting nang makatanggap ako ng tawag sa aking cellphone.

Caller: Asan po kayo pastor?

Me: Sa bahay.

Caller: Pastor, tulungan mo ako! (hingal ang boses niya) Abangan mo ang asawa ko pababa siya ng LRT at hindi ko alam kung sino ang kanyang kakatagpuin.

Dahil sa dating ng boses niya na mukhang nagmamakaawa, hindi ko na nagawang sabihin na papunta ako sa meeting nang tumawag siya at ang tanging gusto ko na lang ay matulungan siya.  Nagpasya na akong huwag um-attend sa aking meeting at nagpatuloy sa pag-aayos.

Maraming tanong sa isip ko pero nagmamadali ako para nga abangan ang mister niya na pababa raw ng LRT sa Monumento Station.

Gustuhin ko mang tawagan siya para sa mga detalye e hindi na raw siya puwedeng tumawag o tawagan gawa ng malapit na siyang mag low battery.  Matagal na akong umalis sa church ng aking member na nagpapasaklolo sa akin.  Isa pa, ilang beses ko lang nakita ang kanyang asawa.  Kaya tinanong kung ano ang suot at pilit na inaalala sa isip ko ang itsura ng mister niya.

Alas otso raw umalis ang mister niya at sinundan niya matapos ang kalahating oras.

Pasado alas nuwebe ng umaga (9 am) at nasa first landing na ako ng hagdanan ng LRT.  Nakaalerto ako sa mga bumababang lalaking pasahero na may suot na tshirt na puti na may guhit na black at bagong puting rubber shoes.  Yun ang description niya sa akin.

Nakakapagod mag-abang at tumayo.  Nakakapagod ang mag-isip na paano kung hindi naman talaga nagpunta ng Monumento ang asawa niya.  Paano kung hindi nagtuloy o iba ang sinakyan?  At napagod na talaga ako kaya sumalampak na ako sa hagdan ng LRT.  Kung dati ay para akong mga taga-alok ng kung anu-anong produkto sa mga pasaherong bumababa.  Ngayon ay para na akong pulubi na naghihintay ng limos. Hahahahaha!

Abang ... abang ... abang!  Kung ang paabangan niya lang sana sa akin ay ang mga deboto ng Jesus Nazareno  na bumababa ng LRT, e kanina pa sana tapos ang trabaho ko.  Maya't maya kasi ay may mga bumababa na naka maroon na tshirt at nakapaa.  Doon ko na-realized na piyesta pala ng Quiapo.  Gusto ko sanang i-suggest sa kanya na bakit hindi na lang siya nakiprusisyon sa Quiapo para tumino ang asawa niya, baka may mangyari pa.  Kesa namang para siyang si Lydia de Vega sa kahahabol sa isang lalaking nawala na ng debosyon sa kanya.

Ang bilin sa akin, sundan ko raw kung saan pupunta at tignan kung sino ang kakatagpuin.  Hello? Ang papel ko ba sa dramang ito ay parang best friend ng babaeng kinakaliwa ng asawa at kasama sa confrontation scene ng AKO LEGAL WIFE at ng THE MISTRESS?  Sorry, pero ang alam ko tapos na ang Metro Manila Film Festival. Hahahahaha!

Matapos ang isang oras na paghihintay, siya na ang bumaba.  Palinga-linga.  Ang sabi ko ay hindi ko nakita kahit anino ng asawa niya.  Sinabi niya na baka nasa Grand Central pero ang sabi ko naman ay sunog na ang mall na pwedeng kitaan ng mga forbidden lovers.  Hahahahaha!

Niyaya ko siya sa Jollibee dahil nagutom talaga ako.  Siyempre ang eksena namin ay sa Jollibee na.  Sabi ko kakain kami at nagpilit siya na siya na ang magbayad.  Pumunta pa siya sandali sa katabing Chowking baka raw naroon.

Ang totoo, sa jeep pa lang ay nahimasmasan na siya na bakit niya raw ba susundan pa ang kanyang mister.  Sinabi ko nga sa kanya ang iniisip ko na malay mo hindi naman talaga sa Monumento ang kanyang tuloy o kaya nagbago siya ng isip.

Isa pang totoo e matagal nang panahon na niloloko siya ng asawa niya.  Ilang counselling sessions na ba ang nagugol ko sa kanya.

Ang sabi niya simula nang huli nilang gulo, nabawasan na ang kanyang malasakit sa asawa.

Sabi ko kung ganoon, puwede ngang magluko pa yun dahil kung yung panahon nga na buong-buo pa ang kanyang serbisyo e nakuha pang magluko ng kanyang asawa niya e, ngayon pa bang parang prepaid na lang ang serbisyo niya.

Pero ang nakakalito, wala na raw siyang pakialam sa asawa pero heto at dakilang stalker pa rin siya.

"Pastor, ano pa bang kulang?" tanong niya.  Ang sagot ko na lang, "ang mundo ay isang malaking Quiapo. lumaban ka kundi maagawan ka." kung sana ako si Carmi Martin sa No Other Woman.  Hahahahaha! Pero ang totoong sagot ko ay  "ang mister mo ang may kulang dahil hindi niya magawang pahalagahan ang pagmamahal mo.  Maging masaya ka na lang na buo ka kung magmahal." O di ba, winning dialogue ang tinuran ko? Sabay kagat ng Jollibee hamburger na bida ang sarap.  Hahahahahahaha!

Speaking of Quiapo, ang Jesus Nazareno na lang yata ang hindi nawawalan ng deboto sa ngayon. Hahahahaha!

"Pastor, masyado kitang naabala."  paumanhin niya. E ano pa nga ba? Gawin ba naman akong best supporting actor sa makulay na daigdig niya. Hahahahahaha!

"May a-attend-an nga sana akong meeting nang tumawag ka." ang sabi ko sa kanya.   Ilang sandali pa, naghiwalay na kami.

HAAY! MAHIRAP TALAGA ANG KALAGAYAN NG LEGAL WIFE KUNG ANG MISTER AY MAY MISTRESS DAHIL ANG ISANG ABANG PASTOR ANG PUWEDENG MASAMA SA CONFRONTATION SCENE. Hahahahaha!

The Lesson of the Story:  Para sa mga legal wife, huwag habulin ang tumatakbo.  Ika nga sa kasabihan, "lalong pinipigil, lalong nanggigigil."

Siya nga pala, nag text siya kinabukasan, hindi ko raw pala talaga makikita ang kanyang asawa kasi sumakay na lang daw ng bus sa halip na LRT.  Kitam?

Martes, Enero 8, 2013

GOODBYE 2012!





Hindi ko hahayaang magpaalam ng tuluyan sa taong 2012 nang hindi ako nagpapasalamat dahil para sa akin, naging mabuting taon ito sa akin.

Sa aking pamilya, masasabi kong naging mabuti sa amin ang 2012.  Unang buwan pa lang ng 2012 ay mabuti na sa aming pamilya dahil first time naming magbakasyon out of town via airplane.  Yap, siyam kaming lumipad patungo sa Iloilo.  Salamat na lang at may kaibigan akong taga Iloilo na nagwo-work sa Singapore ang nag-imbita sa amin na dumalo sa kanilang Dinagyang Festival.  She assured us that she will take care of everything once we are in Iloilo.  With that great amount of favor, we did our part in pulling our resources to produce for our airfare.  Who would think that a big and humble family like could afford a trip that can be considered luxury to some?  But again, that was God's favor.

Taong 2012 nang magsimula akong mag-blog.  Di ba dapat lang pasalamatan ang taong ito kundi wala kayong mababasa na blog ko?  Ito ang panahon na inangking kong muli ang paniniwala na kaya kong sumulat.

Taong 2012 nang sumulat ako ng Bible Study material for youth na Nationwide ang circulation.  First time ito sa akin.  I am glad that I did.

Summer naman nang makapunta ang aming pamilya sa Northern part ng Pilipinas.  Bagama't hindi kami kumpleto at hindi naman ganoon ka-applauded ang mga experiences namin, just to have it the first time is a reason to thank God for.

Taong 2012 nang finally, makapunta na kami ng aking wife sa Puerto Galera.  Bago magpasukan sa eskuwela, we spent an overnight to that famous beach.  Nanatili pa ako ng ilang araw sa Mindoro at napunta pa sa tinatawag na "Tinaguan Falls" at "Little Boracay."

Latter part of this year ay na-organized na ang aking cellgroup tuwing Tuesday at 7 pm.  I am happy for this group dahil as the cellgroup aims, we gradually develop deep friendship through the members of cellgroup.  After four years appointed in this church, may matatawag na akong support group within the church.  Usually kasi, kailangan ko pang pumunta sa mga kaibigan ko outside the church para lang makadama ako ng suporta o may makaintindi sa akin.  The degree of openness is what holds the group.

Taong 2012 nang tanggapin ko ang hamon ng pagiging isang evangelist.  I do not consider myself an evangelist.  I am more comfortable being a teacher or a preacher.  The thought of convincing a congregation  to come in front after I preach and to accept the Lord Jesus Christ is daunting to me.  Pero nang magpasya ang praise and worship team sa panggabi naming worship na gagawin naming Evangelistic Sunday and every last Sunday of the month, e sumunod ako sa hamon na maging evangelist ng gawaing iyon.  And I am happy naman na sa tatlong buwan na nakaraan ay may mga tumatanggap naman kay Jesu-Cristo matapos kong mangaral.

At dahil nga tinanggap ko ang hamon ng pagiging evangelist, dumami na ang mga nagsisimba sa gabi ng Linggo. Yung dating 15 to 25 lang na tao ay umaabot na ngayon sa mahigit na 50 katao.

Taong 2012 nang maranasan kong mag-apply ng US Visa sa US Embassy.  Bagama't ako ay na-denied, masaya pa rin ako sa aking bagong karanasan.

Taong 2012 nang maimbitahan uli akong magsalita sa isang non-Methodist Church sa Mandaluyong.  Isang dating kaklase sa high school at ngayo'y bagong kaibigan ang nag-imbita sa akin na magsalita sa kanilang church.

Taong 2012 nang makapag-travel kami ng aking wife sa halos buong Negros Oriental at Negros Occidental.  Dahil sa mga travel na ito ay tinataya ako bilag isang "jetsetter" na pastor.  I really love to travel and I thank God that He grants my wishes.

Taong 2012 din ng first time akong makapunta sa Makati Shangrila at Diamond Hotel.  Salamat na lang at may isang layperson na ibig na ibig na maka-experience ang mga pastor ng magagandang bagay.  Hindi pa kasama diyan ang pagkaligaw ko sa Makati para lang mapuntahan ko ang Ayala Triangle.  Hanggang ngayon probinsiyano pa rin ako lungsod na ito.

Taong 2012 din nang makadaupang palad ko ang aking mga long lost friends.  At siyempre, taon din ito nang maraming mga na-gained na friends.

Taong 2012 nang maraming pagbabago sa mga pananaw ko sa buhay-buhay at sa buhay pananampalataya.  Lumalalim ako na bumababaw at bumababaw na lumalalim.

Hindi ibig sabihin na walang kabiguan akong naranasan sa taong ito.  Ang gusto ko lang bigyang diin ay hindi sapat ang malulungkot na pangyayari upang tabunan ang mga pagpapala ng Diyos sa akin sa taong ito.

Haaay! Kung puwede lang hindi magpaalam sa taong 2012.  Pero ika nga ng kanta ni Barbra Striesand, "Some good things never last."

Goodbye 2012! Thank you very much