Walang tigil ang ulan. Mahirap maglaba.
Maglaba ka man, ang hirap naman magpatuyo.
At dahil ayaw papigil ang bagyo, napilitan akong gawin ito
Hindi magkapares na medyas |
Wala akong magawa, kaya inilagay ko ito sa shoutout ko. Ganito ang mga comments na natanggap ko:
- May nag page kay Donna. Ang sagot ko naman, my wife and me wash our own clothes dahil nga magkahiwalay naman kami during weekdays.
- May nagtanong naman kung for good vibes ba ang ginawa ko. Ang sagot ko naman e, "Fashion Statement" ko ito. Hahahahahahahaha
- May iba naman na tinignan talaga kung totoo ang shoutout ko. Kaya nang ipakita ko, natawa na lang sila sa ginawa ko.
Linggo ng umaga, hindi pa rin tuyo ang mga medyas. Kaya inulit ko na lang isuot ang di magkapares na medyas. At nilagay ko uli sa shoutout ko sa facebook.
- Ok lang naman daw pero bakit ibinuking ko pa. Sa loob-loob ko, ayaw ko nang maging conscious kaya ibinuko ko na ang sarili ko. Still, ang comment ng mga members ko, "Pastor, hindi naman halata."
- May friend naman ako na nagcomment na siya nga sapatos ang sinuot niyang magkaiba. Hindi pala ako nag-iisa. Mas astig pa nga siya.
Marahil ang iba ay may mga solusyon na naisip para hindi na ako magsuot ng di magkapares na medyas.
Pero naisip ko, sinasabi natin lagi na "with God nothing is impossible."
Kung lahat ay posible sa Diyos, siguro naman posible rin ang magsuot ng medyas kahit hindi ito magkapares. Otherwise, sa medyas pa lang nagpatalo na ako.
Nakalimutan ko pa lang sabihin, noong Thursday, naka leather akong shoes pera walang medyas na suot. Hahahahahahahahahaha!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento