Biyernes, Agosto 10, 2012

EAT, PRAY AND BLOG

Dahil halos lahat ng tao ay nanatili lamang sa kani-kanilang mga bahay gawa ng malakas na pag-ulan nang mga nakakaraang araw, ano kaya malamang ang nangyari sa loob ng bahay?

In my case, I ate double portion of my usual serving.  Dahil sa wala naman kaming stock na canned goods, e forget muna ang pagtaba  dahil, who knows?, it might be my last meal that day.  Hahahahahaha!  At least I am full, if ever magkaubusan ng food.  Matagal pa akong magugutom.

Panic buying is common occurence especially during calamities.  People would like to secure themselves.  At kahit na nga noodles ay nagkakaubusan dahil sa takot na maubusan.  Pero ako, never akong nag panic buying.  Kasi wala naman akong masyadong pang buy.  Hahahahahahahaha! 




Pangalawang observation ko na pinagkaabalahan ng mga people during these rainy days ay ang pagshout out tungkol sa prayers.  Hindi ko na mabilang ang nag-ukol ng kanilang personal prayers sa fb nila habang yung iba naman ay kulang na lang ay manawagan ng prayer assembly sa EDSA para lamang huminto ang ulan.  Ewan ko lang naman kung kakashout out nila e talagang maraming panahon ang na-invest nila sa prayers.  Baka mas marami pa ang panahong mag fb.  Hahahahahahaha!

It is good to learn and hear people praying.  But prayers are not just for preventing calamities.  Prayer is a daily thing and also for ordinary stuffs.

Ganito naman ang sabi ko sa shoutout ko sa fb: 
The people are praying to God to stop the rain. 
God is reminding the people to stop the abuse of Creation.

Siguro naman, lahat ay aamin na bahagi tayo ng nangyayari sa ating kapaligiran.  Parte ang pagbabaya natin sa malawakang pagbaha sa ating kapaligiran.

After the rain, I just don't know if facebook will still be filled with people asking people to pray.

Ang pangatlo sa nais kong gawin sana ay ang magblog. Kablog-blog naman kasi ang hanging habagat na ito.  Imagine, halos, kabugin ang typhoon Ondoy last 2009.  I am sure bloggers will have a post about this calamity.

But sad to say, my netbook does not cooperate.  Kaya ngayon nandoon siya sa pagawaan.  Buti na lang may netbook ang aking wife kaya, nakikigamit muna ako pansamantala.  Hahahahahaha!

Generally, disaster nga talagang matatawag ang "masamang" hangin na ito.  But to those who are able to transform this into a rare opportunity, may magandang nangyari rin ang malakas na ulan na ito sa kanila.

  • May mga naging masaya katulad ng mga estudyante na ayaw pumasok sa eskuwela at maging ang mga trabahador na nakahanap ng instant panahong magpahinga.  

  • May mga nabusog kasi panahon na upang iluto ang mga sopas, champorado at ilang pang comfort foods na the best kung tag-ulan.

  • May mga kumita ng doble lalo na ang mga pedicab drivers na mabili sa mga taong umiiiwas sa baha.

  • May mga pinuntahan ng mga artista at tinulungan pa sa halip na sila ang pumunta at magkandahirap na makita lamang ang mga stars.  Good things, stars come and come near during this situation. Hehehehe!  Lalong winner kung presidente pa ang mag-abot sa iyo ng relief goods di ba?



  • May mga napayapa na malaman na maging ang mga artista rin ay biktima ng pagbaha.  O di ba ka-level rin natin sila o ka-level rin nila tayo?  Walang waterproof pag dating sa malakas na bagyo.

  • I am sure may mga nag-videoke at gustong gustong magvideoke para kantahin ang "Basang basa sa ulan" ng Aegis o kaya "Walang tigil ang ulan" ni Rachel Alejandro, "Lagi na lang umuulan, parang walang katapusan" ng Cueshe at marami pang awit tungkol sa ulan. Hahahahahahaha!

At marami pang nangyari habang kumukulog at kumikidlat sa tanghaling tapat.

Kayo, ano ba ang nangyari sa inyo sa panahon ng tagbagyo?  Ano ba ang ginawa o nagawa niyo?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento