Dahil sa aking tumataas na level of artistry at lumalalim na spirituality, waring nagkakaroon ako ng mga adversary. Hahahahahaha!
And what is the point of contention? Secular music in the church. I used to put label on music because of my conservatism as a christian. But now, I consider music as God's avenue for human's expression of self and spirituality.
In short, there is no such thing as secular music to me. There may be church lyrics and secular lyrics but music itself cannot be limited. Kahit nga ang bata na hindi pa nakakapagsalita e umiindak na sa saliw ng tugtugin kahit hindi pa niya naiintindihan ang lyrics nito.
Anu-ano ang dahilan kung bakit ok lang sa akin na gamitin ang "love songs" sa pagpupuri sa Diyos?
- Only God can deliver the message of a love song conveys. Ang mga tao na may kanya-kanyang theme song ay naghahangad lang na mapangatawanan nila ang sinasabi ng favorite love song nila. Pero ayon na rin sa isa pang love song ni Bonnie Tyler na If I Sing You A Love Song, "Love song lasts longer than lovers often do. ... O baby, I am afraid it could happen to me and you." Dapat lang na awitan natin ang Diyos ng love songs o sa kanya ipatungkol ang mensahe ng mga love songs dahil siya lang naman ang pinakatapat nating mangingibig.
- Music is just a matter of preferrence. Kung gusto ng mga tao ang imno hindi na sana magkakaroon ng mga gospel songs at praise and worship songs sa church. Mapapansin natin na people only sing songs that they are passionate about. Meron mga tao na bigay na bigay kapag praise and worship songs ang inaawit at nagdadaldalan na lang kapag umaawit na ng imno ng pagtatalaga. At ganun din sa iba na imno naman ang paborito.
- May mga kanta na higit pa ang theological impact kaysa sa mga inaawit nating mga kanta sa loob ng simbahan. Mga awit na gumagamit ng methapor at symbol para gawing higit na makahulugan ang pagpupuri sa Diyos. Mga halimbawa ng awit na ito ay ang, Bituing Walang Ningning, Bridge Over Troubled Waters, Wind Beneath My Wings etc.
- Ang musika ay kasama ring ililigtas ng Diyos, hindi lang ang tao. Ang buong sansinukob (universe) ay nadamay sa kasalanan ng tao kaya ang sangnilikha ay naghihintay rin ng lubos na pagliligtas ng Diyos (Roma 8). Paano natin maililigtas ang musika at iba pang sining kung pinipigil natin silang pumasok sa church?
- Si Sir William Booth na founder ng The Salvation Army ay gumamit ng mga "secular" music at pinalitan ang mga lyrics nito para magpahayag at ipakilala ang Diyos sa mga tao.
Ilan lamang yan sa aking dahilan kung bakit ibig ko na ang church ay maging bukas sa anumang kanta basta ito ay maaaring makapagbigay puri at lugod sa ating Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento