Sabado, Agosto 4, 2012

OROS (The Review)

By the time isinusulat ko ang post na ito ay matagal nang tapos ang Cinemalaya.  This is the last movie that I watched.

Ang pagkakaalama ko ay nakuha ng bidang artista nito na si Kristoffer King ang best actor award.  That was a sweet victory knowing that he faced a very tough competition with the rest of the nominees.  

His triumph indeed speaks of what an independent film should be.  It is less of a drama and close to a documentary.  At kitang kita mo ito sa pelikulang Oros.  I remember when I was still a novice in the independent cinema, I got confused if what I was watching is a documentary film or just a movie with character actors.  

Sa indie kasi, ang acting ay very under acting.  Sabi nga ni Eugene Domingo sa pelikulang Babae Sa Septic Tank, "acting without acting."

Ang dalawang bida na gumanap bilang magkapatid sa pelikula ay kapani-paniwala sa kanilang mga pagganap.  Maiisip mo na sila ay hindi mga artista kundi residente talaga ng VASECO compound sa Tondo, Manila.

Tungkol saan nga ba ang pelikulang ito?  Ito ay tungkol sa paggamit sa mga bangkay ng tao na walang umaangking kamag-anak kung kaya ipinagbibili sa mga negosyante para gawin itong props sa sugalan na ginagawa sa mga patay.  Aakalain mo na kamag-anak ng may-ari ng bahay ang namatay pero sa totoo lang ay hindi niya ito kaanu-ano.  At ito ay ipinagbabawal ng batas. 



Isang gabi ay ni-raid ang saklaan.  Nagpulasan ang mga nandoon at nagkahiwalay ang magkapatid.  Ilang araw pa ang lumipas nang matagpuan ng nakatatandang kapatid ang kanyang kapatid na pinaglalamayan at ginagawang negosyo ng mga taong hindi nito kaanu-ano. 

Ang sidelight ng post na ito ay ang makasama namin sa teatrong pinagtanghalan ng pelikula si Gretchen Barreto kasama si Tony Boy Cojuanco.  Lahat ay napatingin kay Gretchen na huli nang pumasok sa theater.  

At hindi siya nagbago.  Mukha pa rin siyang manika gaya nang huli ko siyang makita noong college student pa lang ako.  Maging ang panganay ko na si Amos ay hindi maiwasang bumulong sa aking tabi.  Tingin daw niya ay nasa '20's pa lang si Gretchen.

May kasama rin siyang alalay.  May dala itong brown na throw pillow na ipinatong niya sa silyang uupuan ni Gretchen.  Doon ko narealized na, oo nga naman, malay mo nag-iwan ng mikrobyo ang umupo roon.

Sa kalinisan o kaselanan na ipinakita ni Gretchen ay nag-iisip ako tungkol sa reaction sa pelikulang pinapanood niya na kinunan sa slum area.  Kung saan kung hindi ka maingat ay makakatapak ka ng dumi ng tao gaya ng nangyari sa bida sa kuwento.  Siguro, ayaw nang tapusin ni Gretchen ang movie sa labis na pandidiri.  Hehehehehehe!

Iniisip ko rin kung nare-realized niya na may mundong ibang-iba sa kanyang ginagalawan.  Isang mundong bawal ang maging maselan.

2 komento:

  1. ayos ang segway ah .. haha .

    TumugonBurahin
  2. Actually because of super genuine ng pelikulang oros, parang si gretchen na lang ang gusto kong panoorin at the backseat. hahahahaha!

    TumugonBurahin