Martes, Marso 20, 2012

PENOY HENYO?

Add caption
Tiyak excited na kayo na magbasa nito no?  Biruin mo ba naman may clamor na ang PENOY HENYO ko?
Sabi ng pinsan ko, yung bayaw niya na nasa Amerika ang sumisigaw ng more ..... more..... PENOY HENYO!


Medyo nakaramdam ako ng pressure.  Iba na talaga kapag may tagasubaybay.  Joke!


Hindi lang ako makapaniwala na magsusulat ako tungkol sa programa na sahog lang sa pananghalian ko.


Pero sadyang mapagbiro ang tadhana, sa number of pageview ko, PENOY HENYO at PENOY HENYO2 ang bumabandila.


Kaya naman 11 am palang today  hinubad ko na ang aking abito (hahahahahaha), iniwan ang opisina at umakyat na ako sa itaas.  With a smile on my face, nasabi ko sa aking sarili, dito muna ako sa panibagong career ko (ano raw?) kung saan mataas ang demand.  Kailangan marami ang supply. Hahahahahahaha!


Kungsabagay, sa pagpapastor ko, mataas din ang DEMAND. Puro na nga lang DEMANDS. Hahahahahahahaha!  HUHUHUHUHUHUHUHUHUHU! 


Pero 1 pm pa ang PENOY HENYO kaya nag nap muna ako.  Lately kasi, 4 hours lang ang tulog ko sa araw-araw.  Kung bakit? Subaybayan niyo ang blog ko. Hahahahahahaha! Suspense? Hindi. Horror. Hahahahahahahaha!


Again, nag-lunch muna ako, then nag-nap.  OO, nakakataba yung ginawa ko pero all for PENOY HENYO! Hahahahahahaha!


Saktong 1 pm gumising ako. O di ba pati diwa ko ay excited na?


Naisip ko, paano nga kaya kung wala namang PENOY HENYO kundi mga tunay na henyo ang mapanood ko?  Naku, patay agad ang career ko.  Hindi naman pala useless ang mga b _ b _. May career din naman pala sila, ang magpatawa ng tao.  Hahahahahahaha. (Pakibasa na lang po ang PENOY HENYO at PENOY HENYO 2 para sa related story)   


Natapos ang unang pair at 30 seconds lang kuha na nila, pinoy henyo talaga sila.  Sa konting oras lang, ang word na SAMPAGUITA ay nahulaan nila.  Enter ang next pair, so abang na naman ako. Hindi naman nakakatawa lalo na ang expression ng player na si ate.  Hindi mo alam kung nagpapacute kay player na si kuya.  


Joey de Leon (utos sa ate na player): Lagyan mo naman ng buhay.


KUYANG PLAYER: Appliance?


ATENG PLAYER ( Feeling nililigawan): Oo.


KUYANG PLAYER: Sa kusina.


ATENG PLAYER (Feeling haba ng hair): Oo


KUYANG PLAYER: rice cooker? oven toaster? refrigerator etc?


ATENG PLAYER: (Feeling walang feelings) Hindi.


KUYANG PLAYER: Sinasaksak?


                                    Sinasaksak?


                                    Sinasaksak? 


Biglang dating si Amen Learn mula sa school, umupo sa tabi ko at naharangan na ang pinapanood ko sabay reklamo sa kanyang diko na  kagabi pala ay kanyang nakaaway.  


Amen Learn: Papa, alam mo yan si Diko, inaasar ako lagi.  Patirahin mo na yan kila lola ng dalawang taon para tahimik na ang buhay ko!


Me: Anak, nanonood ako. 


Amen Learn: Alam mo ba kagabi?


Tumayo siya at pumunta sa likod ko. Saka biglang ... PAK! ...  binatukan ako.


Amen:  Ganyan ginawa niya sa akin.


Kailangang bang may demo ang kuwento? Hindi ba puwedeng OO, PWEDE AT HINDI na lang? Gustong kong sabihin na nagtratrabaho lang ako, nabatukan pa ako.  Pero deadma lang muna, busy pa ang bida. Hahahahahahaha!


Pumunta siya sa kuwarto kung nasaan ang kanyang diko. 


Amen Learn: Bakit nasa iyo ang telpad? Akin yan.  Sabi ko sa iyo  hindi mo puwede hiramin yan?


Mukhang mag-aawat pa yata ako.  Sa mga anak ko kasi, sila ang madalas magbangga.  


Naitanong ko sa sarili ko, magkasabay na ba ang timeslot ng Eat Bulaga at Face to Face? Galing kasi ng timing ng dalawang anak ko.


Pero hindi naman ganon ka-worse ang away kahit walang trio tagapayo.  Wala sa fighting mood si diko.  Ako naman malapit nang mawalan ng mood sa pinapanood ko.    


Pero mahalaga sa akin ang request ng bayan kaya tuloy ako sa panonood


JACKPOT ROUND NA. 


Matatapos na ang programa, wala pa akong PENOY HENYO na nakikita.  Kaya mas nagconcentrate ako.....




concentrate .......concentrate ......


PENOY HENYO ....PENOY HENYO .... PE .... (ringgggggggggg!)


Biglang tumunog ang cellphone ko. Ako naman ngayon ang gustong mambatok. Hahahahahahahahahaha!


At dahil on-call ako 24/7 kailangang sagutin ko.  Ang pastor kasi parang doktor, laging on call.   Hindi nga lang kasingyaman. Hahahahahahahaha!


Me:  Hello?


Caller:  I am _____ from PLDT.   I am looking for Mr. Arnel Vasquez.  Kayo po ba si Mr. Arnel Vasquez?


Me:  OO, ako nga. 


 Caller: Sir, regarding sa application mo ...........................


Me:  HINDI ko naman nagagamit .....


Caller: Ganon po ba Sir?


Me: PWEDE bang pa-cancel na lang ....


O di ba kami na  lang ang nag PENOY HENYO. Hahahahahahaha!


Pagkatapos naming mag-usap, tapos na rin ang palabas.


HAAAAAAAAAAAAAAAAAY!


Walang na ngang PENOY HENYO  sa araw na ito.  Marami pang istorbo.  At higit sa lahat may batok pa ako. At ang nakalulungkot sa lahat, hindi ako maka-react dahil career ko ang aking inaatupag.    


Haaaaay! Makakain na nga lang ng ....
Alam ko na, tayo na lang ang mag PENOY HENYO.  Hulaan niyo na lang ano itong kinakain ko.


Siyempre walang pictures.  Ano ba kayo? Di ba nakakabit nga sa noo niyo? Galingan niyo ha? Baka ma _ _ tu _ an din kayo


At para naman enjoy ang laro, alalahanin na lang natin si ateng "Ostrich" at si ateng "Suha" Hahahahahahahahaha!


Pero hindi talaga enjoy ang batok.  Nasaan ba si Amen Learn?































Linggo, Marso 18, 2012

FAR-FECTION


Isang hapong  nag-iisip ako ng ise-sermon.

Pasok ang anak kong si Amen Learn sa aking opisina.  Question ang answer na naman ang pakay niya.

Amen Learn:  Papa, kung hindi nagkasala si Adan at Eba, e di sa damit ay wala tayong problema.

Me:  Siguro!

Sa totoo lang siya ang problema ko sa damit, sa sobrang dalas niyang magbihis.

Amen Learn:  E di wala ring mga kalamidad. Hindi rin puputok ang mga bulkan.

Me: Puwedeng wala.  Puwede pa ring meron!

Ang alam ko kapag hindi pa siya tumigil sa pang-iistorbo, baka mauna pa akong pumutok sa bulkan.

Amen Learn: E sino ang dapat nating sisihin?

Me:  Kahit naman sisihin natin si Eba't Adan, hindi na rin maitatama ang kasalanan. (Sa isip ko: Pero kapag hindi ko natapos ang sermon ko, ikaw ang sisihin ko)

O di ba may sariling dialogue sa isip ko? Hahahahahaha!

Bigla akong napatigil at napaisip.  Kung imperfect nga ang mundo.  Bakit marami pa ring feeling Gregorio Perfecto?

At dahil malayo pa tayo sa perfection, bakit wala tayong puwang sa ating mga kakulangan?


Marami ang hindi makapag-asawa at nagsasawa sa pag-aasawa sa paghahanap nito:


MR. AND M...
Sa paghahanap ng asawa.
Gamitin ang dalawang mata.
Kapag ikaw ay kasal na,
Ipikit na ang isa.



Marami ang hindi naging misyonero dahil hindi kabisado ito:


Hindi nga magawang dalhin, 
umaasa pang kakabisaduhin


Maraming simbahan ang hindi lumalago naghihintay nito:


Sad to say, kinuha na agad siya ni Lord, 
Sobra kasi siyang napagod


Marami ang hindi kuntento dahil ang grade ng anak nila ay hindi ganito:



Clipart - a+ student. fotosearch 
- search clipart, 
illustration posters, 
drawings and vector 
eps graphics images
A rin ang grade ko, A for Average

At ito raw ang dahilan kung bakit kakaunti ang ating kuwento



Storytelling hints at a fundamental human unease,
hints at human imperfection.  Where there is
perfection there is no story to tell. -Ben Okri


Malayo pa tayo sa  perfection.  We are in FAR-fection!

Kaya, tama lang na ito ang ating panoorin




Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon, tayo ang bida.  Kung minsan, kontrabida rin tayo sa iba.


Pero kahit tayo ay IMBA(lance), may perfect din tayong magagawa.  Katulad nito:



We are imperfect people (except when we smile)

Sa totoo lang, worried ako na ang post kong ito ay hindi kagaya ng mga nauna.  Baka hindi kasing ganda o kasingsaya.

Eto na naman si Mr. Pekpekto sa loob-loob ko.

Sa isang banda, naisip ko.  Paano kung lahat tayo ay perpekto?  E di pare-pareho na lang tayo.  At kung pare-pareho na  lang tayo, that makes us all average.

Tama ba ang naisip ko?

Imperfect ang timing ni Amen na makipagkuwentuhan.
Kaya ang mga sagot ko ay walang katiyakan.

Umiral na naman ang pagiging imperpekto ko.

Tumayo si Amen at akmang lalabas.  Na-realize ko, hindi ako naging magandang kausap.

Kaya nilapitan ko siya at ibinigay ang tanging isang bagay na perpekto kong maibibigay:

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.







A perfect and big hug










RANDOM TALKS, REAL THOUGHTS


Donna: Mahal, in-apply kita ng credit card ........ blaah......blaah......blaaah. at siyempre para mo ako ipagshopping. Hahahahahaha!

Me: Ikaw ba nag-apply din?

Donna: Yap

Me:  Di ako man ay ipagsho-shopping mo rin.

Donna: Yap.

Bigla tuloy akong nainip.

Me: Credit card, ang tagal mo naman!

At  nanghinayang ....

Dahil ilang araw na ring nasusunog ang Grand Central Mall.

-ooOOoo-

Me(fuming mad):  blaah ....blaaah .....blaaah!

Donna (comforting me) ang puso mo mahal, pareho pa naman tayong nagtatabaan.  Saka baka sa iyo na tumapat ang bombero dahil mas mainit ka pa sa nasusunog na Grand Cental.





-ooOOoo-

Amos:  Papa, ang ganda ng sermon mo kanina. Kaso lang ang iingay ng mga bata kaya hindi ko masyado marinig.

Me: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!Mabuti na lang at maiingay ang mga bata. Hahahahahahahaha!


-ooOOoo-


Teacher Irene: Pastor, hindi lang mataas ang ratings natin kanina sa meeting!

(mataaas ang ratings means kapag may umiiyak at drama sa meeting)

                        : Parang ano siya .... yung sa internet.

Me: Trending sa Twitter?

Teacher Irene:  Oo, Trending sa  Twitter.

Feeling ko nga na naging madrama ang meeting.  At siguro gustong sabihin sa akin ng iba,  your "My KontrabidaGuy." Sino naman  kaya si "Corazon" sa aming meeting?  Now showing din kasi ang pelikula ni Erich Gonzales. lol!




-ooOOoo-


Member: Pastor, kayo ba may reklamo kay ganitong member? Baka gusto niyo siyang kausapin?

Me: Wala akong problema sa kanya.  Nagkakaproblema lang ako sa kanya dahil may problema siya sa akin.

Kami pang  mga pastor,  e, wala naman kaming karapatang magreklamo.  Ewan ko saan matatagpuan sa Biblia ito.

-ooOOoo-

Member: Nagtatanong nga ang ilang member kung anong araw ba talaga ang day off niyo, Monday ba o Saturday?

Me:  Di ko na nga alam ang day off  ko dahil kung minsan may ginagawa ng Monday, minsan naman  Saturday.

Naisip ko tuloy, nang panahong hindi ako nagda-dayoff, wala namang nagtanong o umaangal kung bakit walang akong dayoff.

-ooOOoo-





Biyernes, Marso 16, 2012

FOLLOWING THE BLOGGER

This is my 13th post so far.

On my 12th post, this is what I got:

My First Follower

Sadya yatang may kinalaman ang number 12 sa usapin ng follower.

WALA LANG.  GALING LANG NG TIMING?:-)

It is a nice feeling for a blogger to have a follower.  Ibig sabihin regular na akong mayroong reader.

Actually masaya na ako na makapagsimula ulit magsulat.  Pero higit ang ligaya kapag diwa ng iba ay maimulat.

Kagaya nito:



Confession of  A Frustrated  Writer




Alam kong malabo ang picture sa taas kaya isusulat ko lang uli para sa inyong lahat


kheng roces says:

Pangarap ko rin ang pangarap mo
Hindi ko na mga maalala mga tulang ginawa at naisulat ko
Sa takot na mapahiya at mapagtawanan
sinadya ko na lang iwanan at talikuran

Hindi ko na mabilang pagkakataong natutulala ako kapag nagbabasa ako ng mga Berso sa Metro
Ilang beses ko ngang nasabing "sana nandiyan mga tula ko."
Bigla ko na lang napansin kumawala na pala ang luha ko

Pagpalain ka ng Diyos kaibigan!
Hanggang sa huling huntahan

Sa facebook, ito naman ang comment ng aking pinsan:



Fan Ako ni 'Insan



Ang nakakabigla pa, gusto niya na ring maging blogger katulad ko.
Magiging teacher pa yata ako.  Sa darating na May makikilala niyo ang aking estudyante.  Matagal na kaming di nagkikita.  Dahil lang sa blog na ito, instant reunion ang aming drama.

Nakakatuwa dahil sa halos 20 taon ko sa pagpapastor, wala pa akong alam na sumunod sa yapak ko.  Pero sa pagiging blogger, araw lang ang kailangan para magkaroon ng follower.



Naalala ko tuloy ang pagsisimula ko sa blog world.  Pabasa-basa lang ng iba-ibang blog.  Hanggang nauwi at nagmatyag sa dalawang blog.

Naging fan din ako dahil yung mga sinulat nila ng isang buong taon, isang linggo ko lang binasa at walang lingon-lingon.

Araw-araw akong nag-aabang kung may bagong post silang isasalang. At naiinip kung ilang araw na ang blog nila ay tigang.

I must say na I am a faithful FOLLOWER o kaya ay isang STALKER.

Pero isang gabi nang  ako'y patulog na, bigla  akong  may naalala.  Ilang araw na rin pala akong absent sa aking pinapasukang site sa internet.

Na-realize ko lang na, MAY SARILI NA PALA AKONG BLOG,  MAY SARILI NA  PALA AKONG LAKAD...













AT SA BIYAYA NG DIYOS AY MAGBUBUO NA RIN NG ALAGAD.





Hindi na lang pala ako MAMBABASA.  AKO NA PALA NGAYON ANG BINABASA.

SALAMAT SA MGA BLOG NA AKING SINUNDAN, PINATAG NIYO ANG AKING DAAN.

















Miyerkules, Marso 14, 2012

PENOY HENYO 2

Fruit Category

Eto na naman ako sa aking pananghalian.

Kasama na naman ang PINOY HENYO na aking kinagigiliwan.

Ang mga kalahok ay mga alumni ng mga paaralan.

Siyempre pai-star-an ang mga estudyante at teacher.

Palakasan ng pagbati, pagalingan sa  pag-cheer.

MGA GURO: Hindi lang kayo ang PINOY HENYO  ng ating paaralan, PINOY HENYO rin kayo ng ating buong bayan!(Matching taas ng mga bisig.  Palaban na palaban sila Sir at  Mam)

Player 1: Pagkain?

Player 2: Oo

Player 1: Prutas?

Player 2: Oo

Pagkatapos ng ilang hula.

Player 1: Suha?

Player 2: Ooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo!

Pati ako napa OO.

Player 1: Suha?

Player 2:Ooooooooooooooooooooooooooooooooooooo!(Excited)


Player 1: Suha?

Player 2: Ooooooooooooooooooooooooooooooooooooo!(Excited)


Player 1: Suha?

Player 2: Oooooooooooooooooooooooooooooooooo!(Exhausted)

Player 1: Suha?

Player 2:Oooooooooooooooooooooooooooooooooo!(Exasperated)


Isang farm na yata kung bibilangin ang binanggit niya na suha.

Nailabas ko na  ang mga alam kong words beginning with Ex....



Player 1: English?

Player 2: Oooooooooooooooooooooooooooooo!(Excited again)


Excited rin ako pati na ang studio audience. Sa wakas mahuhulaan na rin.

Player 1: English?

Player 2: Ooooooooooooooooooooooooooooooo!(Excited again)

Player 1: Suha?

Player 2:Ooooooooooooooooooooooooooooo!(Exhausted again)

Player 1: Suha?

Player 2:Ooooooooooooooooooooooooooooo!(Exasperated again)

Together again and again na ang mga Ex's na ginamit ko pero si player 1, suha pa rin ang sinasabi.  Nasuya tuloy ako sa suha kahit hindi ko kinakain.  Hahahahahahahaha!

Player 1: Hindi ko kasi alam sa English.


Patay!!!!!!Umamin din ang Pinoy Henyo ng bansa, hindi niya alam sa English ang suha. Kasi naman bakit English pa e Pinoy Henyo lang siya ng buong bansa. Hahahahahahahaha!


TIME'S UP



Siyempre alam natin na ang English ng suha ay POMELO.

Tunay nga na siya ay PENOY HENYO ng buong bansa dahil sa labas ng Pilipinas wala kang makikitang POMELO kahit maluha ka pa at 100x mong  sabihin ang  Suha.

Hahahahahahahahahahahahaha!

Akala ko tapos na ang halakhak ko nang humirit pa ang anak ko.

"Papa, bilog ba ang Pomelo?"

"Hahahahahahahahaha! Isa pa ito."

Bumalik ako sa pananghalian ko pero pagtingin ko sa ulam ko, namroblema ako. OH NO, HINDI KO ALAM ANG ENGLISH NITO.





















Click to show "Chayote" result 8
Sayote
.
.
.
.
.
.
.
Ang alam ko lang na English niya ay "with ground beef." Hahahahahaha!

TIYAK MARAMI ANG MAG-GO-GOOGLE. :-o













Martes, Marso 13, 2012

BUHAY SA GITNA NG LAMAY(Part 2)



" UNTI-UNTI SIYANG NALIWANAGAN.
 LIWANAG NA TUMATAMA MAGING SA AKIN MAN.  
ANIMO  SIYA AY ISANG BAGONG BUWAN
 HABANG AKO NAMAN AY TALA, 
 SA KALANGITAN."



Maya-maya, bumungad ang papa ni Erick na akala ko ay namatay na (paumanhin po). Ipinakilala ko ang sarili ko at ipinaalala ang mga panahong sa kanila ay tumutuloy ako.  Madalang din kasi siyang umuwi ng bahay ng mga panahong iyon kaya naintindihan ko noong humingi siya ng pasensiya na hindi niya ako matandaan.

Umupo siya sa harap ko.  Tumayo naman si Cielo upang kumuha ng puwede kong makain o mainom.

"Pastor, sa iyong palagay, bakit ang agang kinuha ng Diyos si Erick?" ang bungad niya.

Add caption


"Hindi ko rin po alam e.  Pero hindi naman po sa haba ng buhay yan di ba?  Madami naman pong na-blessed sa buhay ni Erick," ang alo ko.  Pero ang totoo, ako man ay nanghihinayang para kay Erick.

Katulad ni Cielo, nagkuwento rin ang papa ni Erick kung gaano siya kabuting tao.  Si Erick ay magaling sa English at Math pero hindi marunong makipag-away.  Si Erick ay mataas ang pinag-aralan pero mababa ang kalooban.  Si Erick ay hindi pulitiko pero malapit siya sa tao.  

Patuloy kami sa pag-uusap nang biglang siyang makabuo ng kuwento,  "Alam ko na kung bakit maagang kinuha ng Diyos si Erick!  Natapos  na ni Erick ang misyon niya na alagaan ang kayang Mama (October 2011 nang mamatay ang nanay ni Erick). Nabuhay si Erick para sa kanyang Mama at si Cielo naman ay nabuhay para kay Erick."

Add caption


 (May iba pang dahilan kung bakit hindi maalagaan ng papa ni Erick ang kanyang mama sa pagkakasakit nito na pinili ko na lang wag nang isama post kong ito). 

At sa sunod na sinabi niya ay nabigla ako.  "Sana may isang writer para magawan ito ng libro.  Magaling kasi ang writer na magbuo  ng kuwento."  Napa "wow" ako sa narinig ko.  Ang taas ng respeto ng taong ito sa isang manunulat.

Ngayon ko lang nakausap ang papa ni Erick pero sa kanyang tinuran, parang akong nahubaran hanggang malantad ang kaluluwa  ko.  Sapul na sapul niya ang kabiguan at matagal nang pagdududa sa sarili ko. Feeling ko, hindi na si Erick ang pinaglalamayan sa usapan, kundi ang pangarap ko,

Hinihintay ko na lang tumayo ang taong kausap ko at sabihing, "Ikaw ang tinutukoy ko."

Gusto kong umamin sa harap niya at sabihing, "Kaharap niyo po ang isang taong gustong magkuwento at sumulat ng libro. Kaya lang po ay duwag ako. Kinulong ko na lang po sa loob ko ang aking mga kuwento.  Lagi ko pong sinasabi na mahal ko ang pagsulat pero mga kuwento at akda ko naman ay salat na salat."

Ikinubli ko na lang ng ngiti ang aking mga nararamdaman sa harap ng isang taong parang propetang nanggaling sa kung saan.  Nang sandaling yaon, bumulong na lang ako sa buwan. Nagpasalamat na sinasabing, "wala na ako sa karimlan."

Ewan ko, pero nang gabing iyon, feeling ko, para akong nanalo ng jockpot sa lotto.  Parang si Pacquiao ay naka knock-out.  Parang akong preso na nakalaya sa bilangguan. Para akong sanggol na isinilang.  Para  akong babaeng nanganak ng maraming libro at kuwento.  Parang narinig kong tumutula si Balagtas, "O pag-ibig na makapangyarihan, hahamakin ang lahat MASULAT ka lamang!"

Muli akong tumingin kay Erick. Sabi ko sa kanya, "Bro, hindi lang pala ito lamay mo, kundi simula ng bagong buhay ko. Paalam na sa iyo.  Paalam na rin sa takot ko."

Lunes, Marso 12, 2012

PENOY HENYO

Umupo ako sa  salas set  at naghintay maluto ang ulam para sa tanghalian nang mapanood ko ito:


Pinoy Hen...
ng Eat Bulaga


Player 1: Hayop ba to?

Player 2: Oo

Player 1: Apat ang paa?

Player 2: Oo

Me:HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Player 1: May sungay ba  ito?

Player 2: Oo

Me:HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

EPIC nang makita ko kung paano tumawa si Joey De Leon sa sagot ni player 2, halos mapahiga na ako sa salas set sa kakatawa.  Imagine, mapatawa mo ang isang batikang comedian. Hahahahahaha!

Player 1: Malaki ba to?

Player 2: Hindi

Me:HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Mas mahaba ang tawa ko hindi dahil mas nakakatawa ang sagot sa pang-apat na tanong.  Hindi pa lang ako  maka-get over sa sagot ng player 2 sa tanong na pangalawa at pangatlo.

TIME'S UP!

Nang tignan ng player 2 ang tamang sagot, ito ang kanyang nabasa:















Ostrich F...
OSTRICH

Mukhang bang may sungay ito at apat na paa?

Kahit na sinong PINOY HENYO ay mabobobo kapag PENOY HENYO ang kalaro mo.  Hahahahahahaha!

"Haaaaaaay! Ang saya-saya tuloy ng pananghalian ko.

Hulaan niyo kung ano ang ulam ko?  Wala itong sungay at wala ring mga paa.











Eto siya;

KAIN TAYO? 
PANGPINOY HENYO
TO!