Kumusta na kayo mga readers? Nandiyan pa ba kayo? Dapat yata kayo ang magtanong sa akin kung nandito pa rin ako. Hahahahahaha! It's been 1 1/2 month na rin kasi mula nang huling post ko. Actually, may mga naisusulat naman ako pero puro drafts nga lang. Hahahahaha! Dahil sa matagal na rin akong nahinto, ang hirap na namang magsimula.
Bakit nga ba ako natagalan? Siyempre may mga dahilan. Pinakamadaling sabihin ay dahil sa kaabalahan. I must say na masyado lang naging makulay ang buhay ko na sa sobrang kulay ay hindi ko alam kung paano ko isusulat. Kung ang ating bansa ay dinaanan ng iba't ibang kalamidad, ganoon din sa personal kong buhay. Yung feeling ko tapos na pero may mga aftermaths pa pala. Hahahahahaha!
Anyway, bakit ba kailangan ang post kong ito? Wala lang, just to set the mode and the tone siguro. Gusto ko lang sigurong sabihin na eto na naman ako at hihingi ng konting panahon niyo para pakinggan ang pang-araw-araw na buhay ko.
Gusto ko nang bumalik uli sa aking pagsusulat. Siya nga pala, andito ngayon si Ayan. Kumakain habang nagsusulat ako nitong post na ito. Wala pa ring ipinagbago. Nanghihingi pa rin ng saklolo. Kaunti pa rin ang naitutulong ko. Sa gitna ng kanyang pagkain, tinanong niya ako kung ano ang ibig sabihin ng salitang "talikdan"? Sagot ko, "kinalimutan" o "iniwanan". Wala lang, may mga bagay lang na kailangan kong talikdan na at iwanan. There is no use of holding on. In the same manner, may mga bagay na kailangan namang balikan gaya ng pagsusulat ko at ang mga bumabasa nito.
I pray na bukas ay may sunod na post na ako. Ika nga ng laging sagot sa akin ni Amen Learn, "Wait lang,":0
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento