Martes, Pebrero 11, 2014

ANO RAW?

Sunday evening (January 26, 2014) I was scheduled to give a short message to a debut.  Saturday morning when another invitation (the day itself) to attend a debut came.  I was busy that day but how can I refuse an invitation from a dear friend and  classmate in high school.  How can I say no to her invitation the fact I was the only one among our classmates that was invited together with selected relatives and friends of the debutant?  My schedule was busy, the venue of the debut was far (Mandaluyong) but the feeling of being privileged to be invited overpowers my other concerns.

There in the debut, I was already thinking of a profound message to say in case I was asked to give a message.  My classmate did not ask of me anything but to attend.  But many times, I was asked on the spot to give message or to lead in prayers.  Hindi lang dapat boyscout ang laging handa, kailangan ang pastor din lalo na sa handaan. Hehehehehe!  

The celebration started with an opening prayer.  I was not asked to lead the prayer.  I was thinking that come meal time, I might be asked to pray. My mind was already thinking of what my prayer should be while I was talking to the sister of the father of the debutant who was seated beside me.  She  happened to be a chaplain in a government children's hospital.  I was surprised to meet a layperson doing a chaplaincy work.  I had this impression that only church workers can do it.  She told me that even a pastor needs to undergo training on chaplaincy because most pastors have this tendency to talk and to give advice to the patient.  But the most important learning in chaplaincy is "to listen".  

The truth is, I have no issue on the value of listening.  I preach and practice it.  Balik tayo sa celebration.  Panahon na ng 18 messages.  Nagfeeling boyscout na naman ako.  Baka kasi may hindi dumating mula sa 18 messages at ako ang gawin alternate.  Eto na naman ako na nag-iisip ng profound na mensahe.  At habang nag-iisip ay binigyang panahong pakinggan ang mensahe ng 18 messages na mostly ay mula sa kanyang kaibigan.  At kumapara sa iniisip kong sabihin sa mga naririnig ko, nasabi ko na wala namang gaanong sense ang mga sinasabi ng 18 messages.  Ilan sa kanila ang nagsabi na malayo ang venue, maganda ang debutant.  Kung maririnig mo ang nasa isip ko mula sa mga messages na naririnig ko.  Ang sabi nito ay "ANO RAW?" Wala kasi akong makuha sa mga sinasabi kundi ang nakikita ko madalas ay yung hagikgikan na common sa mga kabataan, at padyakan out of the excitement they felt for the debutant.  In short, KADALASAN AY WALANG SENSE ang aking mga narinig, ang iba naman, ay cliche na.  Yun ang sa tingin ko.  Pero as the celebration went on I realized na yung walang sense sa akin ay hindi ibig sabihin na walang sense sa iba.  Moreover, I realized na sa buhay, hindi naman kailangan laging may sense o may kwenta.  At ang pinakahigit kong natutunan ay, ang mga pinakamalalim na mensahe sa buhay ay hindi kayang ipaliwanag ng mga salita.  ANG LALIM BA? Hahahahaha! In other words, WORDS ARE JUST WORDS and there are things that are MORE THAN WORDS.  May may sinasabi ang mga hagikgikan, hampasan at samahan ng mga magkakaibigan higit sa sinasabi ng mga salita.

Kung minsan, ang mga may kwenta ay nagmumula rin sa mga walang kwenta.  

Natapos ang 18 messages.  Hindi ako nahilingang magsalita.  Dumating na sa kainan, kanya-kanyang prayer ang nangyari.  Kumain ako at nakipagkwentuhan.  Naghintay at nakinig sa mga mensaheng aking matitikman sa mga pagkakataong hindi pinagplanuhan.  Nang gabing iyon, wala talagang mensahe na narinig mula sa akin.  Ako pala ang makatatanggap ng isang napakahalagang mensahe.  

Nagpaalam ako matapos kumain dahil malayo pa ang aking uuwian at may naghihintay pa sa aking gawain. Pero hindi man ako nahilingang magsalita, hindi naman pumayag ang aking classmate na hindi ko siya pagbigyan na ... magpapicture:)


My classmate, friend and the debutant's mother, Haidee


Me, besides the debutant, Ara



Ika nga, a picture is worth a thousand words.  Ati isang libong beses nang sinasabi ng picture na ito na ang taba-taba ko na talaga.  Hahahahaha!

Sunday evening came at nasa debut na naman ako.  This time, one month prior to the debut ay hinilingan ako ng mother of the debutant na magbigay ng 5 minute message.  That was short  and that was tough.  Ano ang importante na dapat kong sabihin sa loob lamang ng limang minuto.  

Na on-the spot ako na maglead ng opening prayer.  Narinig ko na naman ang mga 18 messages na kagaya nang naunang debut na dinaluhan ko at perhaps sa mga dadaluhan ko pa, wala namang ganoong sense ang mga sinabi sa mga mensahe.  Nandoon pa rin ang hagikgikan, padyakan at bukingan sa pagitan ng debutant at ng kanyang mga friends.

Pero, gaya nga nang natutunan ko sa naunang debut, natuwa na ako sa limang minuto na panahon para magsalita  ako.  Hindi na ako nag-isip ng mga malalalim ng mga isipan para sabihin sa mga tao.  Tinuro ko lang ang debutant sa mga tao na dumalo at sinabi na sila ang mensahe sa pagdiriwang na ito.  Sila na kahit hindi magsalita ay may mas malalim na mensahe.  Mensaheng nagsasabi na hindi siya nag-iisa o mag-iisa sa buhay.  Na may mga tao hindi man magsalita ay ipakikita naman ang kanilang malasakit sa kanilang gawa.




At kami ang ilan sa mga taong iyon.
So, paano? Ang dami ko nang sinabi sa entry na ito.  Gusto ko lang iparating sa inyo ang mensaheng, narito pa rin ako at narito lang ako kahit walang naririnig sa bibig ko:)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento