It is not that I am not romantic, I am just unconventional especially during Valentine's Day. The most that I can do on that day is to greet people back with Happy Heart's Day. Yesterday was no different. We had a Valentine's activity at 3 pm but I preferred not to attend.
Little did I know that I cannot escape the affair of the heart even if I skip and ignore it. Yes I had a heartache on Heart's Day!
Yesterday afternoon when I visited again our newest attendee in our church with my son, Amiel. She is in and out of the hospital. Hindi dahil sa gumagaling siya kaya lumalabas ng hospital kundi dahil sa nauubusan sila ng pangtustos. Dalawa lang silang mag-ina sa bahay. Ngayong may sakit siya, kailangang huminto ng trabaho ng kanyang nanay para mabantayan siya. Hindi pa stable ang condition niya gawa ng hindi niya matustusan ang ilang test na kailangang gawin sa kanya.
Ang malala pa ay ang pagpalit ng policy ng public hospital kung saan siya naka-confine. Beginning Monday next week, may bayad na raw ang room at ang doctor. Sa isang taong hirap sa buhay, paano nga ba siya makaka-survive sa ganitong kalagayan.
Alysa: Pastor, hindi nga ako gaano makatulog kakaisip kung saan kami kukuha ng pera. Tulungan mo ako Pastor kasi baka kapag lumabas ako sa Monday dahil wala kaming pambayad e matuluyan na ako. Pastor, hirap na hirap na ako.
Tama si Alysa, may mga taong maysakit na natutuluyan hindi dahil walang lunas ang kanilang karamdaman kundi dahil wala silang mapagkukunan.
Habang nagsasalita si Alysa, tuloy ang Senate hearing at may Senador na isinasangkot na mamatay na lamang daw ay hindi pa tumitigil sa pagkuha ng kayamanan ng bayan. Parang mga walang puso!
Nag-abot lang ako sa kanya ng pera na galing sa offering ng caregroup namin tuwing Tuesday. Dinagdagan ko na lang para mabuo na P500.
Nasabi ko sa sarili ko, isa na namang panahon ng buhay ko ito na I felt very weak dahil wala ako gaano magawa bukod sa panalangin.
Sa Valentine's Day na iyon, HINDI NA lang PAG-IBIG ang kailangan ni Alysa KUNDI AWA. HINDI NA lang BULAKLAK at CHOCOLATES ang magpapasaya sa kanya KUNDI PAMBILI NG GAMOT AT PAMBAYAD SA OSPITAL.
Matapos ko siyang ipanalangin, nangako ako na magpapa-offering sa gabi para pandagdag na tulong sa kanya.
Si Alysa habang umuubo at nahihirapang huminga |
Stolen shot ang kuha ko sa kanya. Mahirap kasing harapin ang sitwasyon niya. Ayaw kong pati ang camera makaramdam ng awa sa kanya.
February 15 today. May humahabol pa sa Heart's Day. May dagdag pa ring heartaches sa akin. May dinalaw ako uli sa hospital with Amen Learn.
Unlike Alysa, mas able naman si Ate Nympha. Pero mas malala ang sitwasyon niya. She is a diabetic and marami na ang complications ng kanyang sakit. Her attending physician could not treat her right away out of fear na hindi niya kayanin ang iniisip na medication. Well, even, she, herself, resist her medications.
While I was holding her hands, ganito ang sabi niya sa akin.
Nympha: Pastor, pagod na pagod na ako.
Her daughter, Precious butt in, "Kakanta pa kayo ni Pastor." Magaling na singer at choir member si Ate Nympha. Sayang lang at may sakit na siya nang dumating ako sa church kaya madalang na siyang makasimba. Pero nagawa naman naming magkantahan sa isang panahon na akin siyang binisita.
Pero kanina, parang gusto niya na lang sa langit kumanta. Minsan, according kay Precious, hindi na siya nakakakilala.
Si Ate Nympha habang nakikipaglaban sa sakit niya. |
Stolen shot uli ang kuha ng aking camera. Nang makapanalangin kami, natuwa naman ako kasi nagrequest pa siya ng kuha ng camera. Puwede naman palang hindi stolen:) Medyo naibsan tuloy ang sakit ng aking damdamin.
Nasabi sa akin ni Precious na ayaw niya pang umalis ang kanyang ina. Kahit nahihirapan siya sa pag-aalaga at kahit alam ng marami ang tindi ng hirap niya. Kahit nga nadudurog na ang puso niya. Yung kanya ngang ama ay hindi nagbabantay sa ospital dahil hindi daw kaya ang kanyang nakikita. Nagawa lang dumalaw kahapon dahil Valentine's Day.
Pero ayaw pa sumuko ni Precious. Kinakaya niya pa. Ang puso kasi, kahit durog na, nakukuha pa ring magmahal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento