Pakibasa na lang po ang part 1 ng post na ito.
Kung sa post na ALL TIME HITS ay nag-enjoy kami ng videoke sa loob ng bus, ganon din ang nangyari sa bus na aming sinasakyang pauwi galing ng Baguio. Pero this time, hindi videoke ang aming pinagkaabalahan, kundi ang mga pelikulang bakbakan.
Unang isinalang ang HBO mini-series na The Pacific. It is a second world war movie made for television. I love war movies. What I especially like in this movie, is the mentioning of my beloved country, the Philippines, not only once but thrice, if I am not mistaken.
The mere hearing of the name of my country made me watched with pride. I just don't know if my co-passengers shared the same feeling.
Since it is a mini-series and the only one we got to watch was part 1, I will check out the whole series next time. Who knows? There might me some scenes and dialogues that will make me more proud about my country.
Pagkatapos ng The Pacific, sunod namang isinalang ang pelikula na ito:
I am not into action films because many of them challenge one's logic, especially the local action films. Kahit pa pinalaki kami ng nanay ko sa mga pelikula ni Lito Lapid, lumaki naman akong malawak ang isip kaya alam ko kung nambobola na lamang ang isang action film. Hahahahaha!
But the movie Taken took my interest and made me hooked on it. Actually, hindi lang ako kundi halos lahat ng nakasakay sa bus, babae o lalaki man ay nag-enjoy sa aming pinapanood.
I am aware of this movie a year ago but I let it passed me because the protagonist, Liam Neeson, does not appeal to me as an action star. I love him for his iconic role in Schindler's List.
But I was wrong when I was able to watch the whole film. Not only was I convinced with his portrayal, I was also sympathetic of his character. A father who had been away most of the time from his daughter because of his work as a CIA agent, decided to make it up to his daughter after retiring from his job. As to how he has shown his love for his daughter, panoorin niyo na lang ang film.
Isa sa mga deaconesses na nakapanood ng pelikula ang nagrecommend na ipa-film showing daw ito sa Father's Day. Hangang-hanga ang lahat sa ginawa ng bidang lalaki.
Naisip ko lang, walang pastor na nakasakay sa bus, kasama na ako, ang makagagawa ng ginawa ni Liam Neeson. The best thing that a pastor can do in that kind of situation is to pray. But there are things that prayer alone cannot accomplish. It needs a person's skills and determination to save the life of a human being.
Hindi pa nagkasya ang mga mata namin sa napanood na dalawang pelikula. Kasunod namang isinalang ang pelikulang ito:
Nabuhay ng naunang pelikula ang interes ko kaya may gana pa ring manood ng kasunod na pelikula. Katulad ng nauna, ma-aksiyon din ang sumunod.
At gaya ng sinasabi byline ng pelikula, hindi lang ito tungkol sa aksiyon kundi sa mabilis na pag-aksiyon, kaya nga Faster ang kanyang title.
Ang pelikula ay tungkol sa pagtunton ng bida sa mga taong pumatay sa kanyang kapatid at nagtangkang pumatay sa kanya. Isa-isa niyang binaril sa noo ang mga ito. At sa huling tao na kanyang papatayin, makaka-relate ang maraming tao, lalo na ang mga Kristiano.
In between ng panonood ng pelikula, nagawi ang kwentuhan sa aking pagbo-blog. Na-realized nila na I am blogging about anything at naging conscious sila na baka i-blog ko sila. Natawa naman ako sa kanilang reaction. Hahahaha! Para namang natatakot silang mai-blog pero sinusubaybayan naman nila ang aking mga posts. Hahahaha!
Natukso akong sabihin sa kanila na, sa naganap na convocation namin ay wala akong maisip na mai-blog. Wala naman kasing bago at aksyon sa pagtitipong iyon. Puro talakayan lang na malamang ay ulitin lamang sa susunod na pagkikita.
Pero dahil sa tatlong pelikulang napanoond ko, naging dalawang posts pa ang pag-blog ko. Hehehehe!
Minsan, mas may matututunan ka pa sa pelikula. At minsan, gusto mo itong gawin learning experience para may maiturong maganda.
Mabuti pa ang mga pelikulang napanood ko, punong-puno ng actions. Pero sa simbahang kinabibilangan ko, waring sobra-sobra sa proclamations at ang dami-daming inactions.
How I wish masabi ng simbahan ang katulad ng dialogue ni Liam Neeson sa evils of our society: "I will find you and I will kill you."
At sana rin ay kasingbilis ng bidang si The Rock at kasing tapang ng bidang si Liam Neeson umaksyon ang mga lider ng simbahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento