Lunes, Setyembre 3, 2012

PAANO NA ANG TINOLA KUNG WALA KA?





Isa sa mga gusto kong ulam ay ang tinola.  Gaya nang nasabi ko noon, paborito ko ang masasabaw na ulam.  Kaninang tanghali lang ay tinola ang aming ulam.

At isa sa nagpapasarap sa tinola ay ang dahon ng sili.  At nag-aaway kami ni Diko Amiel kapag ayaw niyang lagyan ng dahong sili ang tinola.  Minsan nakita ko na lang ang dahong sili sa basurahan dahil itinapon niya.  Kaya ako naman, pinulot ko naman sa basurahan.  Hahahahaha! Huwag kayong mag-alala nakaplastic naman.

Minsan, naisipan ko uling magtinola.  Dahong sili na lang ang kulang ko.  Mahirap kasi pagtagalin ang dahon sa refrigerator at madaling masira kaya hindi agad ako bumibili kung hindi naman agad iluluto.
Kaya pumunta ako sa mas malapit na talipapa at sad to say, wala silang tindang dahon ng sili.  Sarado pa kasi ang mga groceries that time.  Kaya ang ginawa ko ay pumunta na ako sa palengke.  Mas nadagdagan ang lungkot ko kasi yung malayong palengke na mas malaki sa talipapa ay walang tindang dahon ng sili. Hello?  Kumusta naman ang palengke at talipapa na walang dahon ng sili.

 Ang nangyari, nagtiyaga na lang ako sa tinolang walang dahon ng sili.  Kaya, kulang sa sarap.

Pero ayaw ko nang mangyari uli ang ganon.  At hindi na rin ako aasa sa grocery, talipapa at palengke. Ito na lang ang aking binili ngayong hapon:








Sili Plant


O di ba?  Hindi lang dahon ang aking binili.  Pati buong halaman.  Huwag kayong mag-alala, hindi ko naman ilalagay ang buong halaman sa aking tinola. Hahahahahahaha!

Siyempre ang mga dahon sa tinola at ang bunga ay pipigain sa patis na magsisilbing sawsawan.  Ang sarap di ba? Matipid pa.  Aalagaan ko lang ang halaman at pipitas-pitas na lang ako kung kailangan.

At kung lumago siya ng bongga, baka ako na ang magtinda ng dahon ng sili sa talipapa o kaya ay sa palengke.  Hahahahahahaha!

Panalangin ko lang ay mabuhay ang aking bagong halaman.  Kasi, paano na ang tinola kung wala ka? Huhuhuhu!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento