Sa mga laking Jollibee, alam kong makaka-relate sila sa title ng post ko. Isa sa mga slogan ng Jollibee ang "langhap sarap."
Pero hindi Jollibee ang pag-uuspan natin kundi ang:
Lunch time na at walang laman ang aming refrigerator. Walang iluluto at mahuhuli na sa pagpasok si Amen Learn sakali mang may iluluto. May seminar akong ina-attend-an kaya no time for my cooking side.
Kaya, inutusan ko si Amen Learn na bumili na lamang nito for their lunch para kanilang dalawa ni Diko Amiel. May lunch na kasi si Kuya Amos sa seminar kaya hindi ko na siya ibinilang.
Amen Learn, muching on his KFC meal |
Diko Amiel treating his lunch as snacks. Konti kasi para sa kanyang size. |
Kapag Food Chain store serving lunch, popular na ang kanilang price. Kapag si Father ay di na Carry magprepare ng lunch, ito ang instant chicken and rice.
At bakit ba hindi? Kung ang store ng KFC ay ganito lang kalapit sa amin.
The red painted structure is the KFC. This shot is taken from our window. Around 20 meters lang kung lalakarin from our ground floor |
At sa lapit ng KFC sa aming bahay, siya ang aming langhap sarap. Ang aroma ng fried chicken ay kusang pumapasok sa aming tahanan. Kaya huwag kayong mabibigla kung minsan makita niyo kaming kanin lang ang kinakain. Kasi, ang "aroma" ng fried chicken ang aming uulamin.
YAN ANG KASABIHANG, AMOY PA LANG ULAM NA. O di ba, langhap sarap talaga? Hahahahahahaha!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento