Huwebes, Marso 7, 2013

JUMBO HATE-DOG

May cooking lesson sila Amen Learn sa school.  Gagawa raw ang grupo nila ng footlong sandwich.  Aware na ako na may mga cooking lessons sa mga schools ngayon.

Nagtoka-toka raw silang mga magkakagrupo.  May magdadala ng mayonnaise, bread at footlong.  Kay Amen Learn, itinoka.  Take note ha? Itinoka ang pagdadala ng footlong.  Nang malaman ko na sa kanya in-assign yun, medyo nag-iba na ang pakiramdam ko.  At lalong nag-iba ang pakiramdam ko nang nasa frozen meat section na kami ng grocery, ay kumukuha siya ng 2 kilos ng footlong.  Yes, two kilos ng footlong. At Samsung Galaxy note ha? Purefoods pa ang specified na brand.  Siyempre, biglang nag highblood ang bulsa ko.  Parang gustong maghurumentado.

What? Two kilos of Purefood Footlong hotdog? "Ilan ba papakainin niyo?  Ang sagot niya ay Principal daw at ang Assistant Principal daw, mga teachers ng Grade 6 at Grade 3 at silang magkagrupo.

Naisip  ko kumakandidato ba ako ng senador o tumatakbo ba ako under ng Hotdog Party List? Eh, bakit hindi na yata cooking lesson ito kundi food distributions.  Nag-iba na ng isip si Amen Learn, hindi na footlong, jumbo hotdog na lang daw.  Pero Purefoods at 2 kilos pa rin.  As if, may difference ang kanyang ginawa.




Pero alam ko na huli na para sa highblood ko.  Napagkayarian na o napagtulungan na ang anak ko na bumalikat sa uhaw sa hotdog na paaralan.  Hahahahahahahaha!

Pumunta na kami ng cashier pero tumigil ako sandali at tinignan ko tuloy ang isang pack ng Nescafe Coffee na ibinigay sa akin last Tuesday.  Tinignan ko ang presyo.  Pwede nang panabla sa isa sa dalawang kilong jumbo hotdog na ginastos ko.  Humahanap lang ako ng pampalubag loob. Huhuhuhu!

Kung ano ang haba ng pila sa cashier ay siya ring haba ng sermon ko kay Amen.  At yung ateng nauuna sa amin ay nakisali na sa discussion namin.  Nagkaroon tuloy kami ng forum.  Hahahahahaha! Bakit kasi hindi nila pinaghati-hatian ang gastos na lang?  Sagot niya, yung iba raw kasi walang mai-share.  Pero willing silang magka-grade kahit walang mai-share.  Naisip ko na naman, should I blame my son for being gullible?  Tanggap na lang ng tanggap.  E, paano ko silang masisisi, e namana naman nila sa akin yun?

Para rin yang mga estudyante na kapag oras ng test, lagi na lang hingi ng hingi ng papel sa mga kaklase bukod pa sa sagot.  Hahahahahahaha!

I am not being selfish but I am being considerate.  Sinanay kasi natin ang tao na porke mahirap e wala nang mai-share.

Hindi lang yun ang kalbaryo ko.  Kailangan pa raw prito na kapag dinala sa school ang mga hotdogs.  Kitam, yung iba ang dala e hindi na iluluto habang kami, ay running against time, sa pagpi-prito ng hotdogs.  Feeling ko talaga, kami ng anak ko ang nailuto sa mga oras na yun.

Pagdating ni Amen mula sa school, nagbida na siya.  May isang teacher daw na nagsabi na dapat daw 100 ang grade nila Amen.  Sa loob-loob ko dapat kaya 340 ang grade nila dahil jumbo ang presyo ng jumbo hotdog na kinain nila.  Hahahahahahahaha! Huhuhuhuhuhuhuhuhu!





2 komento:

  1. hahaha... galing galing,, cooking session nila, e bat kayo ang nagprito ng hotdog...

    TumugonBurahin
  2. naku, wala nang oras kung hindi ko siya tutulungan. 2 kilos ba naman. hahahaha!

    TumugonBurahin